malakí-lakíng punongkahoy (Gnetum gnemon) na tumataas nang 10 m, magkakatapat ang mga dahong matutulis ang magkabilâng dulo at matingkad na lungti ang kulay, kumpol-kumpol at mapulá ang bunga
2:
maliit na punongkahoy na karaniwang 2-3 m ang taas, ginagamit na pantalì ang balát, at magkakatapat ang mga dahon, makinis, at may bahagyang tulis sa dulo at punò
uri ng sakít na kakikitahan ng panghihina o panlalambot ng buong katawan, pamamaga sa bahagi ng tiyan, at paninilaw ng balát, karaniwang sanhi o dalá ng lamok at susô